^

PM Sports

Ladon, marcial lalong gaganahan Sa pangakong incentive ni Manny

Pang-masa

DOHA, Qatar – Nang malaman na pinanood ni boxing legend Manny Pacquiao ang kanyang laban ay lalo pang ginanahan si light flyweight Rogen Ladon ng PLDT-ABAP Boxing Team.

“Parang hindi pa ako makapaniwala na pinanood ni Congressman Pacquiao ang laban ko,” wika ni Ladon. “Sabi ko sa sarili ko, ang suwerte ko, hindi ko puwedeng ipahiya si idol. Ginanahan talaga ako.”

Dinomina ni Ladon ang No. 1 seed na si Mexican Joselito Velasquez Altamirano via unanimous decision para sa kanyang ikalawang sunod na panalo sa 2015 AIBA World Championships dito.

Si Ladon, ang No. 17 seed sa torneo, ay pinaboran ng mga judges mula sa Ireland, Trinidad & Tobago at France.

“Alam ko malakas siya pero sabi nina Coach Boy (Velasco) at Coach Brin (Romeo), mag-hit and run daw ako kasi medyo flat-footed siya kaya hindi siya makakahabol pag inalisan ko siya. Pinag-aralan namin mabuti ‘yung pinadalang videos sa amin ng ABAP Sports Science staff namin sa Manila,” wika ni Ladon.

Sa hapunan na pinamunuan ni AIBA president Ching-Kuo-Wu para kay Pacquiao ay sinabi ng boxing legend kay ABAP executive director Ed Picson na bibigyan niya ng insentibong P500,000 sina Ladon at Eumir Felix Marcial kung mananalo ang dalawa ng gold medal sa torneo.

“Gusto kong matulu-ngan ang mga batang ito. Ang gagaling eh!” wika ng 8-division champion.

Lalo pang nagulat sina Ladon at Marcial nang idagdag ni Pacquiao na bukod pa ang naturang P500,000 sa kanyang ipinangakong P5 milyon para sa gold medal sa 2016 Olympic Games.

“We are so honored and appreciative that our boxing hero Manny Pacquiao took time out to show support for our boys. It’s no joke that he spent 26 hours on a plane then stayed for a hectic schedule in Doha for only 17 hours with hardly any sleep! Maraming salamat, Manny,” wika ni ABAP president Ricky Vargas.

Lalabanan ni Ladon sa quarterfinals (round of 16) si David Jagodzinski ng Poland na umiskor ng panalo sa isang Bulgarian.

Haharapin naman ni Marcial, pinabagsak si Egyptian Said Mohamed, si Youba Sissokho ng Spain para sa kanyang ikalawang laban.

ACIRC

ANG

BOXING TEAM

COACH BOY

COACH BRIN

CONGRESSMAN PACQUIAO

DAVID JAGODZINSKI

ED PICSON

EGYPTIAN SAID MOHAMED

LADON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with