Sayang naman

Silver medal finish para sa dalawang buwang training.

We should be proud ‘di ba? Hindi naman basta-basta ang pinagdaanan ng Gilas.

Ang powerhouse China lang naman ang tumalo sa atin.

Pitong buwan silang magkakasama at nag-training at kung saan-saan pa raw nagpunta.

Malaking achievement na ito para sa Gilas at dapat nating ipagmalaki.

Pero ‘di maiiwasang makaramdam tayo ng panghihinayang tulad ng Gilas coach na si Tab Baldwin.

In fairness kay Baldwin, wala siyang sinisisi. Pero nanghihinayang lang talaga siya.

Sayang naman talaga.

Kung kumpleto nga lang talaga ang puwersa ng Gilas.

Kung nakapagsanay sana sila ng mas matagal.

Kung sana, kung sana, kung sana…

Eh di sana baka tinalo natin ang China at nakuha natin ang ticket sa Rio Olympics sa Brazil sa susunod na taon.

Eh di sana hindi na tayo dadaan sa butas ng karayom sa huling Olympic qualifying tournament na gagawin sa June next year kung saan mas madaming mabigat na kalaban.

Pero malay naman natin, nagparamdam na si Jordan Clarkson na gusto na niyang maglaro talaga sa Gilas.

Baka naman puwede na rin ‘yung iba na lumaro.

Baka naman may mabubuo na tayong mas ma-lakas na team.

Sana ay hindi magsawa si Mr. Manny V. Pangi-linan na suportahan ang Gilas program… Sana naman ay may sumuporta pang iba.

Sana ay magkaisa tayong lahat para sa Philippine basketball.

 

Show comments