St. Benilde, San Beda namuno sa NCAA table tennis event

MANILA, Philippines – Matagumpay na naipagtanggol ng St. Benilde at San Beda ang kanilang mga korona sa men’s at wo­men’s division, ayon sa pagkakasunod, sa 91st NCAA table tennis tournament sa Arellano Uni­ver­sity Pasay City campus.

Pinamunuan ni Ryan Jacolo ang Blazers ni coach Rudolph Palermo para sa kanilang ikala­wang sunod na titulo matapos tapusin ang five-year title rule ng Red Smashers noong nakaraang sea­son.

Hinirang si Jacolo bilang MVP.

Iginiya naman ni 2014 MVP Beverly Paulim ang San Beda lady paddlers para sa kanilang ika­anim na sunod na pagrereyna.

Sa Powersmash Badminton Center sa Makati Ci­ty, winalis naman ng St. Benilde ang mga kam­peo­nato sa men’s, women’s at juniors event para do­minahin ang badminton tournament.

Sina Lante Erickson Bautista, Alizandra Cande­laria at James Candelario ang nagbida para sa St. Be­nilde kung saan sila hinirang na men’s, women’s at juniors MVP winners, ayon sa pagkakasunod.

Show comments