MANILA, Philippines – Naisakatuparan ng National University ang maging ‘three-peat’ champions sa UAAP Cheerdance Competiton nang sila ang kinilalang kampeon sa kompetisyon kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sapat ang overall na pagtatanghal ng NU Pep Squad para tabunan ang ilang pagkakamali upang makakuha ng nangungunang 668 puntos.
Record crowd na 25,388 ang sumaksi sa kompetisyon at ang UST Salinggawi Dance Troupe ang pumangalawa sa 651.5 puntos, habang ang host UP Pep Squad ang pumangatlo sa 610.5.
Binibigyan ng puntos ng mga hurado ang ginawang tumbling, stunts, tosses, pyramid at dance at umiskor ang NU ng 91.5, 70.5, 84, 88 at 340.
May anim na penalty lamang ang koponan.
“We were able to manage our flaws. May flaws kami sa isang pyramid pero apat na pyramids ang ginawa namin kaya may tatlong bala pa kami,” wika ni NU coach Ghicka Bernabe.
Halagang P340,000 at dagdag na P190,000 mula sa Smart, Yamaha Motors, Purefoods at Champion ang premyong napanalunan ng NU na naging ikatlong koponan kasunod ng NU at UST na naka-tatlong sunod na titulo sa kompetisyon.
Nanalo naman ang UST sa Group Stunts. (AT)