Matthysse asam patumbahin si Postol sa hangaring makatapat si Pacquiao
MANILA, Philippines – Kung gusto ni Lucas Matthysse ng Argentina na maging ikalawang opsyon para sa laban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon ay dapat muna niyang pabagsakin si Viktor Postol ng Ukraine.
Pag-agawan nina Matthysse (36-3-0, 34 KOs) at Postol (27-0-0, 11 KOs) ngayon ang bakanteng WBC light welterweight title sa StubHub Center sa Carson, California.
“If Lucas Matthyse impresses, he’s in line to face Manny Pacquiao next year,” sabi ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions.
Wala pang opisyal na pahayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions ukol sa susunod na lalabanan ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) sa 2016 matapos matalo kay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2.
Bagama’t kinakausap na ni Arum ang kampo ni British star Amir Khan (31-3-0, 18 KOs) ay hindi pa ito napapanalisa.
Kaya naman malakas pa ang paniniwala ni De La Hoya na puwedeng itapat si Matthysse kay Pacquiao sa 2016.
“There’s no question, it’s (Postol bout) a very important fight for him,” ani De La Hoya kay Mtthysse. “He’s fighting for the world title, against an unbeaten, dangerous opponent trained by a hall of fame legend in Freddie Roach. It’s a tough fight for both guys.”
Maliban kina Khan at Matthysse, ang iba pang maaaring labanan ni Pacquiao sa 2016 ay sina Kell Brook (35-0-0, 24 KOs) at Terence Crawford (25-0-0, 17 KOs).
- Latest