^

PM Sports

Lady Eagles, Lady Bulldogs pag-aagawan ang V-League title

ATan - Pang-masa

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. – Ateneo vs NU (Game 3, Finals)

MANILA, Philippines – Isang klasikong ta­gi­san ang inaasahang ma­gaganap sa pagitan ng Ate­neo Lady Eagles at Na­tional University Lady Bulldogs sa huling laro sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tiyak na mag-uuma­paw ang palaruan ng mga panatiko ng magkabilang koponan na magtutuos sa ganap na alas-12:45 ng hapon dahil ang mana­nalo ang siyang mag-uuwi ng titulo sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Nauwi sa 1-1 ang best-of-three series nang unang manalo ang Lady Eagles noong Setyembre 20 (25-19, 25-13, 25-21) bago bumawi ang nakumpletong Lady Eagles noong Setyembre 27 (25-22, 25-17, 25-17).

Bagama’t nanalo sa hu­ling laban, hindi masa­sabi na nasa NU ang mo­mentum dahil isang linggo na ang lumipas pa­ra makapaghanda nang husto ang Ateneo.

“We will be going all-out for the win. Gusto natin na mag-champions and the players are determined to win this one,” sabi ni Lady Bulldogs coach Roger Gorayeb.

Aminado siya na lamang sila sa height dahil bumalik na si 6-foot-2 Dindin Manabat para ma­katambal uli ang kapatid na si 6’4 Jaja Santiago.

Hindi rin patatalo ang mga beteranang spi­kers na sina Myla Pablo, Jo­relle Singh at Aiko Urdas, habang subok na sa ma­tin­ding labanan ang setter na si Rubie de Leon.

Pero ang isang bagay na dapat nilang gawin ay ang pigilan uli ang mahusay na si Alyssa Valdez na matapos gumawa ng 20 puntos sa Game One ay na­limitahan sa 9 puntos sa Game Two.

“Kailangang malimi­ta­han namin si Alyssa da­hil ang average niya ay nasa 20 points a game. Mahalaga na makuha ng libero namin ang mga pa­lo ni Alyssa,” dagdag ni Go­rayeb.

Sa kabilang banda, kum­binsido si assistant coach Parley Tupaz na ma­kakabangon ang kanyang bataan sa pagkatalo sa huling laro para makuha ang korona.

“Okay naman si Alys­sa at ang mahalaga sa amin ay maibigay ang bo­la sa aming setter. Kailangan din na magkaroon kami ng magandang receive para makaopensa ka­mi,” ani Tupaz na si­yang dumidiskarte kaha­lili ni Thai coach Tai Bundit na nasa Thailand para sa isang seminar.

Bukod kay Valdez, da­pat ding manumbalik ang galing nina Amy Aho­miro, Bea de Leon, Jhoanna Maraguinot at Kim Gequillana para hindi ma­sayang ang 10-0 maagang pa­mamayagpag ng Lady Eagles sa liga.

ACIRC

AIKO URDAS

ALYSSA

ALYSSA VALDEZ

AMY AHO

ANG

ATENEO

COLLEGIATE CONFE

LADY EAGLES

SAN JUAN CITY

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with