^

PM Sports

FIVB executive panauhin sa PSL Grand Prix opening

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pasisinayaan ng isang prominenteng miyembro ng International Volleyball Federation (FIVB) executive council ang pagbubukas ng 2015 Phi-lippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Kinumpirma ni PSL president Ramon “Tats” Suzara ang pagdating ni Stav Jacobi na siyang magiging main guest ng prestihiyosong inter-club women’s volleyball league na magtatampok sa mga foreign players.

May-ari ng top European club team na Volero Zurich at chief organizer ng FIVB World Women’s Club Championship, magkakaroon si Jacobi ng isang mahalagang pahayag sa press briefing sa Oktubre 9 bago tumayong guest of honor ng PSL Grand Prix kung saan maglalaban ang anim na club teams para sa karangalan.

Hindi naman alam ni Suzara kung ano ang ihahayag ni Jacobi.

“Whatever his announcement is, it will surely be a big boost to Philippine volleyball in general,” wika ni Suzara, isang ranking Asian Volleyball Confe-deration (AVC) executive at FIVB member na nakatrabaho si Jacobi noong 2015 FIVB Volleyball Men’s World Cup sa Osaka, Japan.

“We are glad that Mr. Jacobi accepted our invitation to witness the Filipino brand of volleyball. We are all looking forward to have him as our main guest and we’ll make sure that he’ll have a good time watching our top volleyball players in action,” dagdag pa nito.

Itatampok ng Petron, nagmula sa kampanya sa 2015 AVC Asian Wo-men’s Volleyball Club Championship sa Phu Ly, Vietnam, ang mga national team mainstays na sina Aby Maraño, Dindin Manabat at Rachel Anne Daquis katuwang sina Brazilian imports Rupia Inck Furtado at Erica Adachi.

Ang two-time champions na Blaze Spikers ay hahamunin ng Foton, Cignal, RC Cola-Air Force, Meralco at Philips Gold.

Itatampok ng Foton ang bagong hugot na si Jaja Santiago kasama sina imports Katie Messing at Lindsay Stalzer, habang ipaparada ng Cignal sina April Ross Hingpit, Rizza Mandapat at Michelle Laborte katulong sina Amanda Anderson at Ariel Usher.

Muli namang ibabandera ng RC Cola-Air Force sina Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz at Judy Ann Caballejo kasama sina imports Lynda Morales at Sarah McClinton at pamumunuan nina Cha Cruz at Paneng Mercado ang Meralco bukod pa kina De La Salle Lady Archers Liis Kullerkann at Christina Alessi.

Kinuha ng Philips Gold bilang bagong setter si dating University of California-Davis playmaker Lindsay Dowd para makatuwang nina Michelle Gumabao, Myla Pablo, Mel Gohing at imports Bojana Todorovic at Alexis Olgard.

vuukle comment

ABY MARA

ACIRC

ALEXIS OLGARD

ALONTE SPORTS ARENA

ANG

COLA-AIR FORCE

GRAND PRIX

JACOBI

PHILIPS GOLD

SUZARA

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with