^

PM Sports

Gilas vs Lebanon pamilyar si Baldwin sa kalaban

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Laro Ngayon (Changsha Social Work College Gymnasium)

2:30 p.m. Iran vs South Korea

4:45 p.m. Japan vs Qatar

7:30 p.m. India vs China

9:30 p.m. Gilas Pilipinas vs Lebanon

CHANGSHA – Pamilyar na si Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin sa koponan ng Lebanon at alam niya kung sinu-sino at ano ang kayang gawin ng isang player nito.

Ito ay dahil siya ang gumiya sa Lebanon sa ika-20 puwesto sa kabuuang 24 koponan noong 2010 World Championship sa Turkey.

“They have players who can shoot very well. They’re a good transition team. We know they’ve got a good overall size though they aren’t a big team,” wika ni Baldwin.

Tinukoy niya sina Jean Abdelnour at Rodrigue Akl bilang mga key players na naglaro sa Turkey na kasalukuyan pa ring mi-yembro ng Lebanese squad.

Ang iba pang miyembro ng 2010 squad ay ang namayapang si naturalized player Jackson Vroman, Ali Mahmoud, Rony Fahed, Elie Rustom, Elie Stephan, Ali Kanaan, Ali Fakhredine, Matt Freija, Ghaleb Rida at Fadi El-Khatib.

Si Vroman, naging import ng Barangay Ginebra sa PBA, at tulad ni Freije ay lumaro rin sa NBA.

Umaasa ang Gilas bench chieftain na malilimitahan nila ang lakas ng mga Lebanese at samantalahin ang kahinaan nito sa kanilang knockout duel para sa Final Four ngayong gabi.

“They battle hard. The Lebanese team always battles so you know this is a team that can have a really good game. They can put a real good game together,” sabi ni Baldwin.

Sa likod ni Baldwin, tinalo ng Lebanese ang Canada, 81-71, bago natalo sa France, 59-86; New Zealand, 76-108; Spain, 57-91 at Lithuania, 66-84 noong 2010 World Cup.

Nagtala sina El-Khatib, Vroman at Fahed ng averages na 15.4 points, 14.8 points at 11.8 points, ayon sa pagkakasunod sa naturang torneo.

ACIRC

ALI FAKHREDINE

ALI KANAAN

ALI MAHMOUD

ANG

BALDWIN

BARANGAY GINEBRA

CHANGSHA SOCIAL WORK COLLEGE GYMNASIUM

ELIE RUSTOM

GILAS PILIPINAS

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with