Bumigay ang mga Pinoy sa World Cup of Pool

MANILA, Philippines – Bumigay ang mga tumbok nina Carlo Biado at Warren Kiamco sa huling tatlong racks sa laban kontra kina Daryl Peach at Mark Gray ng England 2 para lasapin ang 7-4 pagkatalo sa World Cup of Pool round-of-16 kahapon sa York Hall sa London.

Dalawang errors ang naitala nina Biado at Kiamco sa ninth at tenth racks na kanilang naisuko para masa-yang ang pagbangon mula sa 0-4 tungo sa 4-4 tabla.

Sargo nina Peach at Gray ang rack number 11 at hindi na nila binigyan ng pagkakataon na makabalik pa ang mga second seeds na Pinoy nang ikasa ang runout para umabante sa quarterfinals sa kompetis-yong nilalahukan ng 32 bansa.

Ito ang unang pagkakataon na nagtambal sina Biado at Kiamco sa torneo at konsuelo nila ang paghahatiang $4,500.00 matapos umabot sa round na ito.

“There were a few twists and turns but we were trying to win each mini interval. We played well and deserved the win,” wika ni Peach.

Sunod na kalaro ng pangalawang koponan mula sa host country sina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland na pinagpahinga sina Aloysius Yapp at Chan Keng Kwang ng Singapore, 7-4.

“We have played the Finnish lads many  time on the Euro Tour and we both have good head-to-head records against them so I am confident we will win that match,” dagdag ni Gray.

Ang pagkatalo nina Biado at Kiamco ang tulu-yang tumapos sa kampanya ng mga bansa mula South East Asia dahil sina Muhammad Simanjuntak at Irsal Nasution ng Indonesia ay pinagpahinga na rin nina Babken Melkonya at Loan Ladanyi ng Romania, 7-5.

Ang England ang may magandang tsansa na magkampeon sa ikalawang sunod na taon dahil nasa quarterfinals din ang nagdedepensang kampeong sina  Darren Appleton at Karl Boyes at kalaro nila sa Last 8 sina Melkonya at Ladanyi. (AT)

Show comments