Laro Ngayon (Changsha Social Work College Gym)
9:30 a.m. – Iran vs Hong Kong
11:45 a.m. – Palestine vs India
2:30 p.m. – South Korea vs Lebanon
4:45 p.m. – Japan vs Philippines
7:30 p.m. – China vs Kazakhstan
9:30 p.m. – Qatar vs Jordan
CHANGSHA – Ipapagpatuloy ng Gilas Pilipinas ang kampanya para makapasok knockout play sa pakikipagharap sa da-ting East Asian rival na Japan sa pagsisimula ng se-cond round ng preliminary stage ng 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha Social Work College Gym ngayon dito.
Kahit natalo sa Palestine sa first round, nakapasok ang Team Philippines (1-1) sa Round Two katabla ang Japan (1-1) sa third place sa likod ng Iran (2-0) at Palestine (2-0) sa Group E.
Sa pagpapatuloy ng aksiyon matapos ang isang araw na pahinga, sisimulan ng Gilas ang kanilang kampanya na itinuturing nang must win na lahat ng laban para manguna sa grupo.
Kapag nanguna sa grupo ang Gilas, nangangahulugang makakalaban nila ang No. 4 team sa kabilang bracket sa quarterfinals.
“We’ll see how it goes. We can’t think of anything other than do or die now, really. Technically it isn’t that, (but) we can’t afford to slip any further because of the Palestine game,” sabi ni Baldwin. “We’ve got to play all these games to win them, first of all to come out of this pool and second of all to get us as high as we can. Whether that’s first or second, we probably are in a reasonably good space if it’s first or second. If it’s third or fourth, it’s going to be really tough.”
Bitbit ang momentum mula sa back-to-back wins kontra sa Hong Kong at Kuwait, inaasahang makakatatlong sunod ang Nationals sa pagharap sa Japan na tinalo nila sa nakaraang Jones Cup.
Ilang taon nang laging nananalo ang Philippines sa Japan.
Nagpasiklab ang mga baguhan sa Gilas team na sina Terrence Romeo at Calvin Abueva nang kanilang talunin ang Japan, 75-60 sa Taipei meet. (NB)