^

PM Sports

Bagong training center sa Baguio target ng PSC

Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaasa ang Philippine Sports Commission na papayagan sila ng Department of Education na magtayo ng karagdagang training facilities sa loob ng Teachers Camp sa Baguio City.

Sinabi ni PSC chairman Richie Garcia na pinipilit nilang makapagtakda ng pulong kay Education Secretary Bro. Armin Luistro sa lalong madaling panahon.

Ang Teachers Camp, nasa ilalim ng pamamahala ng DepEd ay isang 23-hectare property na napapaligiran ng mga pine trees.

Mayroon itong 47 cottages na pinapaupa-han sa mga bakasyonista at grupo na nagdaraos ng seminars, conferences at iba pa.

Pagmamay-ari naman ng PSC ang isang track oval, boxing gym at isang dormitoryo na siyang tinitirhan ng mga miyembro ng Philippine track and field at boxing teams kasama ang kanilang mga coaches at trainers.

Gusto ni Garcia na magamit ng PSC ang isang bakanteng espasyo sa Teachers Camp para sa training at tirahan ng mga atleta at opisyales mula sa ibang sports.

“The PSC has its track oval, dorm, boxing gym and staff house, and right in the middle of that is a property that has been idle for many years,” wika ni Garcia.

“Since I sat down as PSC chairman (in 2010) it has been that way. We can use it for high-altitude training and strength and conditioning for our athletes. We are ready to put money in that because I would rather send our athletes to Baguio to train than here in Manila,” dagdag pa nito.

Sakaling payagan ng DepEd ay kaagad sisimulan ng PSC ang paglalagay ng pasilidad at pagpapalawak sa athletes’ quarters.

Base sa inisyal na plano, gagamit ang PSC ng mga pre-fabricated materials na hindi mas-yadong mahal.

Sinabi pa ni Garcia na ang ibang mga atleta mula sa combat sports ay maaaring lumipat sa Baguio.

Nagkaroon ng interes ang PSC sa Baguio site matapos bumagsak ang negosasyon nito sa Clark International Airport Corporation para sa pag-upa sa 50-hectare property sa Pampanga.

Hindi kaya ng PSC ang hinihingi ng CIAC na rentang P150,000 per hectare o P7.5 million per year na tatagal sa loob ng 10 taon.

“I hope the Secretary will understand our position and approve our request,” sabi ni Garcia.

ACIRC

ANG

ANG TEACHERS CAMP

ARMIN LUISTRO

BAGUIO CITY

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT CORPORATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY BRO

GARCIA

PSC

TEACHERS CAMP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with