^

PM Sports

Puwede na si Manny next year

Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat na buwan matapos ang kanyang surgery ay sumabak na sa isang pick-up game si Manny Pacquiao.

Pinatunayan ni Pacquiao na magaling na ang kanyang kanang balikat nang magbigay ng kontribusyon sa 60-40 panalo ng kanyang MP team laban sa X-MP squad kamakalawa sa The 3rd Fitness Lab gym sa Balajadia Building sa Scout Lazcano, Quezon City.

“Puwede na akong lumaban next year,” sabi ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao, isang left-hander.

Noong Mayo 7 ay sumailalim si Pacquiao sa surgery kay surgeon Neal ElAttrache sa Kerlan-Jobe Orthopaedic Clinic sa Los Angeles para sa kanyang torn rotator cuff injury.

Ito ay matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ng Sarangani Congressman na gusto muna niyang ikondisyon ang kanyang katawan para sa darating na kampanya ng kanyang Mahindra Enforcers (dating Kia Carnival) sa 41st PBA season sa Oktubre.

Kamakalawa ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions, kailangan munang ipakita ni Pacquiao ang resulta ng kanyang MRI kay ElAttrache bago niya plantsahin ang laban nito sa Abril ng 2016.

Kabilang sa mga nasa listahan ni Arum na maaa-ring makatapat ni Pacquiao ay sina Amir Khan, Kell Brook, Terence Crawford, Lucas Matthysse at Juan Manuel Marquez.

Pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis-yembre ng 2012. (RC)

vuukle comment

AMIR KHAN

BALAJADIA BUILDING

BOB ARUM

FITNESS LAB

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

KANYANG

KELL BROOK

KERLAN-JOBE ORTHOPAEDIC CLINIC

KIA CARNIVAL

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with