MANILA, Philippines – Umiskor si Daniel Quizon ng San Juan Elem. School ng 5.5 points para pangunahan ang kiddies division ng 2015 Shell National Youth Active Chess Championship national finals na nilaro sa SM Megamall nitong weekend.
Tinalo ng seventh-ranked na si Quizon si Philymn Villajuan, iginupo ni Rheam de Guzman si No. 4 Adrian de Luna at tinalo ni sixth seed Mark Bacojo si Dennis Gutierrez III bago nakipaghati sa puntos kina No. 5 Justine Mordido para pangunahan ang 12-and-under section ng ika-23 pagtatanghal ng pinakamatagal nang torneong naghahanap ng bagong chess talents na suportado ng Pilipinas Shell.
Bumawi si De Luna mula sa third round kay Quizon sa pag-sweep ng kanyang sumunod na laro para sa kabuuang 5-points habang si Bacojo na pambato ng Escuela de Sto. Rosario ay nasa kontensiyon pa rin sa kanyang nakuhang 4.5 points patungo sa huling round ng torneo.
Sina Melanie Bularan, Shell Social Investment & Social Performance Manager at GM Eugene Torre ang nagsagawa ng ceremonial moves sa pagbubukas ng two-day tournament na kinilala ng National Chess Federation of the Philippines na dinaluhan din ni Cesar Abaricia, Shell External Affairs Manager for Manufacturing.
Natalo naman si top seed Jerome Aragones ng dalawang games at may isang draw at tatlong panalo para makisalo sa fourth kina Gutierrez, Mordido at second seed Ronald Canino sa magkakaparehong 3.5 points.
Sina Billy Ventanilla, Irish Yngayo, Joshua Sanches at De Guzman ay may magkakaparehong 3.0 points.
Bumalikwas si top seed Dale Bernardo ng FEU buhat sa opening round loss kay Ahmad Azote para kumuha ng apat na sunod na panalo sa isang draw kay unrated Genesis Borromeo ng Dias College sa sixth round para makisosyo sa liderato ng 13-16 division.
Tinalo ni Borromeo sina No. 8 Chris Pondoyo, No. 7 Jayson Danday, fifth ranked Jesca Docena at second seed Daryl Samantila.