^

PM Sports

Accel Quantum-3xVI NCAA Press Corps Player of The Week

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasa kanilang six-game winning streak ngayon ang Cardinals.

At si Nigerian import Allwell Oraeme ang isa sa mga dahilan ng naturang arangkada ng Mapua sa second round ng NCAA Season 91 seniors basketball tournament.

Humakot si Oraeme ng season-high na 30 rebounds sa huling dalawang panalo ng Cardinals para itaas ang kanilang baraha sa 10-5 katabla ang 2014 runner-up na Arellano Chiefs.

“He is still very raw. Watch out when he matures. We’ve been telling him to be patient and be coachable because there are brighter things to come for him,” sabi ni assistant coach Ed Cordero sa kanilang Nigerian reinforcement.

Hinirang si Oraeme bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week dahil sa kanyang kontribusyon sa nasabing mga panalo ng Cardinals na nagpalakas sa kanilang tsansa sa Final Four.

Bukod sa rebounding, nagtala pa si Orae-me ng 18 points sa 82-77 paggitla ng Mapua laban sa Letran noong nakaraang Biyernes.

Umiskor naman siya ng 15 points sa 81-76 pananaig ng Cardinals kontra sa Chiefs noong Biyernes.

“Every coach will tell you that rebounding is all about will. He just wants to get that rebound,” sabi ni Cordero sa 19-anyos na si Oraeme.

Tinalo ni Oraeme para sa naturang weekly award sina Scottie Thompson ng Perpetual Help at Paolo Pontejos ng Jose Rizal University.

ALLWELL ORAEME

ARELLANO CHIEFS

BIYERNES

ED CORDERO

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA

ORAEME

PAOLO PONTEJOS

PERPETUAL HELP

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with