^

PM Sports

Lithuania kumuha ng tiket sa Rio Olympics

Pang-masa

LILLE, France – Tinakasan ng Lithuania ang Serbia, 67-64, para umabante sa finals ng Euro­pean basketball championship at ibulsa ang tiket pa­ra sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Lalabanan ng Lithuania ang Spain sa finals.

Kumamada si Jonas Valanciunas ng 15 points pa­ra pangunahan ang Lithuania, winakasan ang seven-game winning streak ng Serbia.

Ang Serbians ang highest scoring team ng torneo sa kanilang average na 88 points per game.

Nalimitahan ng Lithuania ang Serbia, ang 2014 World Cup silver medalist, sa 33-percent fieldgoal shooting.

“To beat Serbia while having 20 turnovers and making only two 3-pointers is something unbelie­vable,” sabi ni Lithuania coach Jonas Kazlauskas.

Nagtala ang Serbia ng mahinang 6-of-28 shoo­ting sa 3-point line, habang nagtumpok ang Lithuania ng 2-of-14 clip.

Sinabi ni Serbian coach Sasha Djordjevic na mas­yadong nagbabad ang kanyang koponan sa 3-point line.

“We made some bad choices taking a lot of 3-point shots. We stubbornly tried to win the game with the big three instead of moving the ball in and out. If we made those shots, it would have been different. But we can’t live with 6-for-28,” sabi ni Djordjevic.

Haharapin ng Serbia ang France, tinalo ng Spain sa semifinals, para sa bronze medal match.

Parehong nakakuha ang Serbia at France ng sil­ya para sa susunod na Olympic qualifying tournament.

Samantala, tinalo ng Czech Republic ang Latvia, 97-70, para tumapos sa pang-pito at ibulsa ang huling tiket sa qualifying tournament.

Bukod sa Serbia, France at Czechs, maglalaro din ang Greece at Italy sa Olympic qualifying tournaments.

ACIRC

ANG

ANG SERBIANS

BUKOD

CZECH REPUBLIC

JONAS KAZLAUSKAS

JONAS VALANCIUNAS

SASHA DJORDJEVIC

SERBIA

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with