Pennisi ibinalik ng Star sa Barako Bull kapalit ng 2017 pick
MANILA, Philippines – Magbabalik si Mick Pennisi sa dati niyang koponang Barako Bull.
Dahil sa patakaran ng Philippine Basketball Association sa mga Filipino-foreigners ay napilitan ang Star Hotshots na dalhin ang 6-foot-7 na si Pennisi sa Energy sa pamamagitan ng trade.
Limang Fil-foreign players ang pinapayagan ng PBA na maglaro para sa isang koponan.
Sa pagbibigay sa 40-anyos na veteran big man ay makukuha naman bilang kapalit ng Star ang 2017 second-round pick ng Barako Bull.
Sa kasalukuyan ay may limang Fil-Foreign players ang Hotshots sa kanilang line-up para sa darating na PBA 41st season sa Oktubre.
Ang mga ito ay sina Fil-Ams Joe Devance, Alex Mallari at Rafi Reavis, Fil-Palestinian Yousef Taha at Fil-Canadian rookie Norbert Torres.
Si Webb ang pumalit kay two-time Grand Slam champion coach Tim Cone na inilipat ng SMC sa Barangay Ginebra.
Makakasama naman ni Pennisi sa Energy sina Jake Pascual, Jondan Salvador at Rico Maierhofer.
- Latest