MANILA, Philippines - Mga dalawang taon gulang na mga kabayo ang maglalaban-laban bukas para angkinin ang Japan Racing Association (JRA) Trophy Race sa San Lazaro Lesure Park sa Carmona, Cavite.
Ang tampok na karera ay itinalaga bilang race 5 at paglalabanan sa 1,300m distansya na kung saan sinahugan ito ng P300,000.00 kabuuang premyo na pinagtulungang itaguyod ng racing club Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walong kabayo pero anim lamang ang opisyal na bilang ng kalahok ang nagpatala at ang mga ito ay ang Luneta Park (JB Guce) at coupled entry na Mount Iglit (JPA Guce), White Orchids (LF De Jesus), Ayisha’s Pride (CV Garganta), Show The Whip (KB Abobo), Stark (JB Hernandez) at stable mate Port Angeles (MA Alvarez) at Gunga Din (JA Guce).
Sa mga kasali, ang mga kabayong Mount Iglit, Show The Whip, Port Angeles ay galing sa panalo sa unang opisyal na takbo para ipalagay na paborito sa karera.
Pero tiyak na ikinokondisyon ng mga handlers ang ibang panlaban para makamit ang P180,000.00 unang gantimpala na nakataya sa karera.
Ang papangalawa ay mayroong P67,500.00 prem-yo habang P37,500.00 at P15,000.00 ang mapapa-sakamay sa papangatlo at papang-apat sa datingan.
Nasa 13 races ang nakaprograma sa pagtatapos ng isang linggong pista na ginawa sa tatlong racing clubs sa bansa at lahat ng mananalo ay may tatanggaping P125,000.00 gua-ranteed prize mula sa ra-cing club.
Isasagawa rin ang mga trophy races na itataguyod ng Fujitsu, Norkis Group of Companies, Katialis at horse owner Felizardo Sevilla na maglalagay ng karagdagang P20,000.00 para sa winning horse owner.
May 11 races ang pag-lalabanan sa araw na ito sa pagsisimula ng dalawang araw na karera sa San Lazaro.