MANILA, Philippines - Isang masigasig na koponan ng Spain ang tumalo sa hosts na France sa overtime, 80-75 para umabante sa European championship final at angkinin ang isang Olympic berth.
Marami silang dapat ipagpasalamat kay team captain Pau Gasol.
Kumamada ang Chicago Bulls center ng 40 points at 11 rebounds para akayin ang Spain sa finals laban sa isa sa Serbia at Lithuania na maglalaban sa semifinals.
Ang top two teams mula sa 24-nation tournament ang aabante sa 2016 Rio de Janeiro at ang susunod na limang koponan ang makakalaro sa tatlong intercontinental qua-lifying tournaments para sa ekstrang tatlong tiket.
Naiwanan ng France ang Spain ng 11 points sa third quarter bago naagaw ang 66-63 bentahe.
Naipuwersa ng France ang laro sa overtime mula sa three-pointer ni Nicolas Batum.
Naimintis naman ng Charlotte Hornets guard ang tatlong free throws sa huling minuto ng extension period kung saan angat ang Spain sa 78-75.
Ang dunk ni Gasol bago ang final buzzer ang sumelyo sa panalo ng Spain at nagpatahimik sa home crowd.
Ngunit pinamunuan ng 35-anyos na tubong Barcelona na si Gasol, isang doble NBA champion para sa Los Angeles Lakers, ang atake ng Spain para sa kanilang 66-63 abante sa third period.