Battle for third place sa Shakey’s at Spikers’

Laro NGAYON

12:45 p.m. – UST vs FEU (best-of-three V-League)

3 p.m. – NCBA vs EAC

(best-of-three Spikers Turf)

MANILA, Philippines - Sisikapin ng FEU Lady Tamaraws na bigyan ng magandang pakonsuwelo ang nabigong kampanya na maidepensa ang titulo sa Shakey’s V-League Collegiate  Conference sa paglapit sa ikatlong pu-westong pagtatapos laban sa UST Tigresses ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Hahawakan ng mananalo ang mahalagang 1-0 bentahe sa best-of-three series na magsisimula sa ganap na ika-12:45 ng hapon.

Hindi kinaya ng FEU ang matibay na puwersa ng NU Lady Bulldogs para walisin sila nito.

Asahan naman na lalaban nang husto ang Tigresses para maiba-ngon ang sarili mula sa na-bigong kampanya kontra sa Ateneo Lady Eagles.

Napaabot ng UST ang kanilang serye sa ikatlo at huling yugto ngunit nanlamig ang koponan para sa straight sets kabiguan sa Lady Eagles.

Mag-uunahan din ang NCBA Wildcats at Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa 1-0 bentahe sa battle-for-third sa Spikers’ Turf sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon.

Samantala, ang Game One sa V-League championships sa pagitan ng Ateneo at NU ay gagawin bukas sa ganap na ika-12:45 ng hapon.

Natalo ang Lady Bulldogs sa Lady Eagles sa kanilang naunang pagtutuos pero may tiwala si NU coach Roger Gorayeb na makakaya nilang higitan ang ipakikita ng Ateneo na ibabandera pa rin ng mahusay na si Alyssa Valdez.

Tiyak na mapupuno ng mga panatiko ng Ateneo at NU ang venue sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera dahil sasalang din ang Eagles kontra sa Bulldogs sa unang  laro sa Spikers’ Turf finals dakong alas-3 ng hapon.

Show comments