MANILA, Philippines – Ipagtatanggol ni Patrick John Tierro ang kanyang titulo sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event ngayon sa kakaayos lamang na PCA Open clay courts sa Paco, Manila.
Inaasahang mabigat na hamon ang haharapin ng 30-gulang na si Tierro sa men’s singles division dahil mapapalaban siya kontra kina eight-time titlist Johnny Arcilla at da-ting Australian Open juniors champ Francis Casey Alcantara.
Nakataya sa torneo ang automatic slots sa 2015 Manila International Tennis Federation (ITF) Men’s Futures Leg 2 kaya inaasahang magi-ging mahigpitan ang labanan sa men’s division.
Ang dalawang finalists sa men’s singles class ang papasok sa main draw habang ang mga makakakarating sa quarterfinals at semifinals ay papasok sa quali-fying stage sa paglarga ng ITF event sa October 2 sa PCA courts din.
Sa doubles division, ang mananalong team lamang ang mabibigyan ng slot sa 16-pair main draw ng ITF event.
Inaasahang magpapamalas din ng galing sina veteran players Alberto Lim Jr. Elbert Anasta, Kyle Joshua Dandan, Marc Reyes, Jurence Mendoza at Jeson Patrombon para makakuha ng slot sa ITF Men’s Futures Leg 2.
Ang ladies singles na magsisimula sa Sept. 22 ay free-for-all dahil wala si four-time champion Marian Jade Capadocia para magdepensa ng kanyang titulo kaya ang Patrimonio sisters na sina Anna Christine at Anna Clarice ay may pagkakataong mahawakan ang titulo na naging mailap sa kanila laban kina Khim Iglupas, Roxanne Resma, Edilyn Balanga, Marinel Rudas, Mae Siso, Hannah Espinosa, Maia Balce at Erika Manduriao.