NU sa finals; UST humirit ng ‘do-or-die’

Laro sa Miyerkules (The Arena, San Juan City)

4 p.m. – Ateneo vs UST (Game 3)

MANILA, Philippines – Pinatalsik ng National University Lady Bulldogs ang nagdedepensang FEU Tamaraws, ha­bang nanatiling buhay ang UST Tigresses nang wakasan ang ratsada ng Ateneo Lady Eagles sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 12 Col­legiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Patuloy na humugot ang Lady Bulldogs ng magandang laro mula sa mga beteranang sina Myla Pablo, Jaja Santiago, Aiko Urdas at Jorelle Singh para walisin ang best-of-three series nila ng Lady Tamaraws sa 2-0 mula sa 20-25, 25-13, 25-21, 25-16 panalo.

Si Pablo ay may 23 puntos mula sa 17 kills at blocks, habang sina Santiago, Urdas at Singh ay may 17, 11 at 10 puntos.

Nagtala ng 24 excel­lent sets si De Leon, ha­bang ang liberong si Fatima General ay may 21 digs at 13 excellent receptions.

Sina Jovelyn Gonza­ga, Remy Palma at Toni Rose Basas ay may 11, 11 at 10 puntos pero hin­di napigil ng dating kampeon ang kanilang mga errors na umabot sa 31.

Maghihintay pa ng makakalaban ang NU dahil ginulat ng Tigres­ses ang Lady Eagles, 25-18, 16-25, 23-25, 22-25, sa ikalawang laro.

Lumabas ang deter­mi­nasyon ng UST na ma­natiling palaban sa titulo nang sina Ennajie Laure, Carmela Tunay, Marivic Meneses at Pamela Lastimosa ay nagsanib sa 54 puntos.

Sina Tunay at Laure ay nagtambal sa 27 kills.

Show comments