MANILA, Philippines – Inaasahan ni Wellington Saints playing coach Kevin Braswell na magbabalikatan sa 2015 FIBA Asia Championships ang Iran, China at ang Gilas Pilipinas.
Sinabi ni Wellington na kung makokontrol ng Gilas Pilipinas ang rebound at mapapatakbo ang kanilang fastbreak play ay may tsansa itong makuha ang tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
“If they can rebound the ball, they’ll be fine,” wika ni Braswell, napanood ang mga Pinoy at mga Iranians sa nakaraang 37th Jones Cup.
“You have no problem with your guards. I love your guards. Your guards can compete with any team in the world. If Dray (Blatche) gets in shape, you’ll be tough,” sabi ni Braswell, kabilang sa mga all-time leading scorers ng Georgetown University.
Tinalo ng Iran ang Saints sa Jones Cup. (NB)