^

PM Sports

Dahil sa isyu sa pandaraya sa laban kay Pacquiao ‘Last fight’ ni Mayweather lalangawin

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa ginawang pan­daraya ni Floyd May­wea­ther, Jr, isang araw ba­go ang kanilang laban ni Manny Pacquiao noong Mayo 2 ay naapektuhan din ang benta ng tiket para sa pakikipagtuos niya kay challenger Andre Berto nga­yon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kumpara sa dinumog ni­lang mega showdown ni Pacquiao, ilang daang ti­ket naman ang hindi na­bili para sa laban ni Mayweather kay Berto.

Ang isa sa mga dahi­lan ay ang isyu sa paraan ng pagtuturok ni May­wea­ther ng IV treatment ba­go niya sagupain si Pac­quiao.

“I’ve always done things the honest way. People are going to have their opinions regardless of what I say,” sabi ni May­weather.

Tatanggap lamang si Mayweather ng guaranteed purse na $32 milyon sa kanyang pagharap kay Berto kumpara sa $250 milyon na nakuha niya sa unanimous decision win laban kay Pacquiao no­ong Mayo 2 sa MGM Grand.

Kung mananalo si May­weather (48-0-0, 26 KOs) kay Berto (30-3-0, 23 KOs) ay mapapanta­yan niya ang record na 49-0-0 ni boxing great Rocky Marciano na nag­retiro noong 1962.

Sinabi ni Mayweather na ito na ang pinakahuli niyang laban at handa na niyang isuko ang kanyang 19-year professional career.

May mga nagsasabi ring sakaling manalo kay Berto ay inaasahang tatargetin ni Mayweather ang ika-50 niyang panalo para hi­gitan si Marciano.

ACIRC

ANDRE BERTO

ANG

BERTO

FLOYD MAY

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

ROCKY MARCIANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with