Romeo, Cabagnot kikilalanin sa PBAPC Awards Night

MANILA, Philippines - Kikilalanin ang pagkamada ni Terrence Romeo ng Globalport at ang pagbabalik sa pamatay niyang porma si Alex Ca-bagnot ng San Miguel sa annual PBA Press Corps (PBAPC) Awards Night sa Sept. 16 sa Century Park Hotel.

Hihirangin si Romeo bilang Scoring Champion, samantalang tatanggapin ni Cabagnot ang William ‘Bogs’ Adornado Comeback Player of the Year award.

Sina Romeo at Cabag-not ay dalawa lamang sa mga nasa listahan ng awardees na pararangalan dahil sa mahusay nilang ipinakita sa nakaraang season.

Itatampok sa progra-mang nakatakda sa alas-7 ng gabi ang pagbibigay ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year at sa Danny Floro Executive of the Year awards.

Pinangunahan ni Romeo ang lahat ng players sa scoring sa nakalipas na season mula sa kanyang 19.7 point average per game para palitan si Jason Castro ng Talk ‘N Text bilang bagong sco-ring leader.

Ang Gilas Pilipinas stalwart ang top local scorer sa Commissioner’s Cup (20.8 ppg) at sa Go-vernors’ Cup (22.2 ppg).

Muli namang nakuha ni Cabagnot ang kanyang porma matapos makuha ng Beermen mula sa trade sa Batang Pier sa kalagitnaan ng All-Filipino Cup.

Ang veteran Fil-Am guard ang naging susi sa paghahari ng San Miguel sa Philippine Cup at sa Governors’ Cup.

Ang iba pang awardees sa nasabing two-hour celebration na idaraos ng PBAPC simula noong 1993 ay sina Rain or Shine guard Paul Lee at ang mga miyembro ng All-Rookie team.

Si Lee ang tatanggap sa PBAPC-Accel Order of Merit Award habang si Pringle ay miyembro ng five-man All-Rookie squad na binubuo nina Alaska guard Chris Banchero, Jake Pascual ng Barako Bull, Matt Ganue-las Rosser ng Talk ‘N Text at Rain or Shine guard Jericho Cruz.

Ang iba pang parangal na igagawad ay ang Defensive Player of the Year at Mr. Quality Minutes. (Sixth Man Award).

Inimbitahan ang  president at CEO ng liga na si Chito Salud at commissioner Chito Narvasa, kasama ang mga mi-yembro ng  PBA Board sa pamumuno ni chairman Robert Non ng PBAPC sa ilalim ni president Barry Pascua ng Bandera sa da-lawang oras na programa.

Show comments