Laro Ngayon (Philippine Stadium, Bocaue, Bulacan)
8 p.m. – Uzbekistan vs PHL Azkals
MANILA, Philippines – Pagkakataong talunin ang pinakamabigat na makakalaban sapul nang itinatag ang Philippine Azkals ang magpapatibay sa ipakikitang laro ng koponan ngayong gabi sa Philippine Stadium sa Bocaue, Bulacan.
Nagpakatotoo si Azkals coach Thomas Dooley na dehado ang home team sa bisitang Uzbekistan na kanilang makakaharap sa ganap na ika-8:00 ng gabi sa pagpapatuloy ng 2018 World Cup qualifiers.
“We have nothing to lose,” bungad ni Thomas na sinamahan ni Azkals team captain Phil Younghusband sa pre-match press conference kahapon sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.
“They are a great team and will show us what football is all about. We may lose, but we may win also. We are the Azkals and we will bite them left and right,” dagdag ng fo-reign coach.
Nanalo ang Azkals sa naunang dalawang laro laban sa Bahrain (2-1) sa home court at sa Yemen (2-0) sa Qatar para sa anim na puntos at puma-ngalawa sa North Korea sa Group H na may 9 puntos sa tatlong panalo.
Matapos matalo sa North Korea ay bumawi ang Uzbekistan at tinalo ang Yemen, 1-0. Bagama’t angat sa karta ang Pilipinas, paborito ang Uzbeks dahil sila ay nasa 76th place sa rankings kumpara sa 125th ng bansa.
Mangunguna sa Uzbeks ay ang team captain na si Server Djeparov na kinilala bilang Asian Footballer of the Year noong 2008 at 2011.
Naunang humarap sa mga mamamahayag ang Uzbekistan team at kinilala ng kanilang coach na si Samvel Babayan na hindi puwedeng biruin ang Pilipinas dahil maganda ang kanilang inilalaro at mahusay ang coach ng Azkals.
Tinuran pa nito na para manalo ay kaila-ngang pigilan ng depensa ang Azkals team captain na si Younghusband.
“Phil is the best Filipino player in the team. But they should also watch out for the other guys. This is the game we are waiting for and we can achieve something if we all fight, which I feel the players will do,” dagdag ni Thomas.
Sa panig ni Younghusband, umaasa siya na naroroon ang mga manonood para tumaas pa ang kanilang kumpiyansa sa pagharap sa pinakama-bigat na katunggali. (AT)