^

PM Sports

Lady Eagles dinagit ang No. 1 seat; Lady Tams pasok sa semis

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Winalis ng Ateneo La­dy Eagles ang mga la­­ro sa quarterfinal round, ha­bang inangkin ng nagdedepensang FEU La­dy Tamaraws ang ikat­long upuan sa semifinals  nang manalo sila sa kanilang mga laro sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nangunang muli si Alyssa Valdez sa kanyang 28 puntos, kasama ang 25 kills, habang sina Amy Ahomiro, Jhoanna Maraguinot, Bea De Le­on at Gizelle Tan ay nag­hatid ng mga krus­yal  na puntos para ma­kabangon ang Ateneo sa pagkatalo sa first set tungo sa 15-25, 25-19, 25-21, 25-23  panalo sa National University.

Si Tan ay nagpaka­wala ng dalawang sunod na aces para sa huling tat­long puntos sa third set bago binigyan ng per­fect back-set si Valdez upang hawakan ng Lady Eagles ang match point sa fourth set.

Nakuha ng two-time defending UAAP champions na Ateneo ang ika­-pitong panalo nang ma-block ni De Leon si Aiko Urdas.

Sinandalan naman ng FEU ang magandang pag­tutulungan ng mga ginamit sa laro tungo sa 25-16, 19-25, 27-29, 25-15, 15-10 tagumpay sa naubos na UST Tigres­ses sa ikalawang laro.

May 16 at 14 puntos ang mga guest players na sina Honey Royse Tu­bino at Jovelyn Gonzaga, habang nagsanib sa 35 puntos sina Berna­deth Pons, Remy Joy Palma, Toni Rose Basas at Jerrili Malabanan pa­ra samahan ang Ateneo at NU sa Final Four sa kanilang 5-2 baraha.

Ang UST ay na­la­gay sa ikaapat na pu­wes­to sa kanilang 4-3 marka, ngunit pu­wede silang uma­bante sa se­mis kung mabibigo ang Arel­lano Lady Chiefs laban sa St. Benilde Lady Blazers nga­yong hapon.

ACIRC

AIKO URDAS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG

ATENEO

ATENEO LA

BEA DE LE

COLLEGIATE CONFERENCE

DE LEON

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with