^

PM Sports

Nationals ipinuwesto ng FIBA.com sa No. 4

NBeltran - Pang-masa

TAIPEI – Nasa ikaapat na puwesto ang Gilas Pilipinas sa FIBA.com rankings para sa darating na 2015 FIBA Asia Championship na nakatakda sa Sept. 23-Oct. 3 sa Changsha, China.

Nasa itaas ng Gilas Pilipinas ang kampeong Iran, Chi­na at South Korea.

Ayon sa naturang website ng international cage bo­dy, pinili nila ang Iran bilang top choice dahil sa intact line-up nito, habang ang China ay mula sa hawak na homecourt advantage.

Ang depth at consistency naman ng Korea ang ti­nu­koy kaya ito naging ikatlo kasunod ang Gilas Pilipinas dahil sa magandang kampanya sa kasalukuyang 2015 Jones Cup dito.

Nirarangguhan ng FIBA.com ang mga koponan ka­ugnay sa player rosters at ginagawang preparasyon para sa 2015 FIBA Asia Championship na tumatayong regional qualifier para sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brzil.

Alam ng website ng FIBA ang posibleng paglala­ro ni Fil-Am NBA guard Jordan Clarkson sa Gilas Pilipi­nas sa nasabing Asian meet.

“Despite half of the team that played in the 2014 FIBA World Cup missing, the Philippines got a big boost this past week with the possibility of Clarkson suiting up,” sabi ng FIBA.com.

“Their trip to Estonia yielded a lot of learnings, and they have racked up some impressive wins in the 2015 Jones Cup. Momentum seems to have swung and things are improving for Gilas Pilipinas.”

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

FIBA

GILAS PILIPI

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

JORDAN CLARKSON

SHY

SOUTH KOREA

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with