TAIPEI – Naisuko ng Gilas Pilipinas ang itinayong 18-point lead sa third period bago nakabalik sa kanilang porma para talunin ang US-Overtake Select, 76-72, sa 37th Williams Jones Cup basketball tournament kahapon sa Xinzhuang Stadium dito.
Sina Sonny Thoss, Calvin Abueva at Dondon Hontiveros ang nagsalba sa Nationals sa fourth quarter para iposte ang 5-2 record sa torneo kumpara sa 3-4 baraha ng mga Americans.
Kinuha ng Gilas Pilipinas 18-point lead, 55-37, sa third quarter bago nakalapit ang US, ibinandera sina dating PBA imports Marquin Chandler (Purefoods) at CJ Warner (Globalport) at dating Los Angeles Clippers player Keith Closs.
Ang dalawang free throws ni Chandler ang nagdikit sa mga Americans sa 66-70 agwat sa huling 2:20 minuto ng final cato.
Huling naghamon ang USA sa 71-74 buhat sa dalawang charities ni Cory Bradford hanggang selyuhan ni Hontiveros ang panalo ng Gilas Pilipinas mula sa kanyang dalawang foul shots.
Ang Americans ang tanging koponang tumalo sa four-time champions na Iran, 81-66, noong Setyembre 2.
Dahil sa 7-1 record ng Iranians ay ganap nilang nakamit ang pang-lima nilang Jones Cup crown.
GILAS PILIPINAS 78 – Abueva 20, Thoss 13, David 13, Hontiveros 7, Taulava 7, De Ocampo 7, Intal 5, Tautuaa 4, Rosario 2, Norwood 0, Pingris 0, Ganuelas 0.
US 74 – Chandler 20, Bradford 19, Warner 17, McDonald 8, Closs 6, Watkins 2, Hall 2, Andrade 0, Mirza 0, Waters 0.
Quarterscores: 15-13, 40-30, 60-47, 78-74.