MANILA, Philippines – Nagbunga ang pagsali ng apat na powerlifters sa 2015 World Sub-Junior & Junior Powerlifting Championships sa Prague, Czech Republic matapos mag-uwi ng kabuuang 10 medalya ang koponan.
Pinangunahan ni Je-remy Bautista ang kampanya ng mga Pinoy po-werlifters sa pagkopo ng tatlong silver sa squat sa binuhat na 135kg, dead lift sa binuhat na 122.5kg, para sa kanyang total na 317.5kg. at isang bronze bukod pa sa tatlong Asian Sub Junior records.
Nanalo naman si Masangkay ng apat na bronze medals sa 43kg sub-junior division. Naitala niya ang pinakamabigat na buhat sa kanyang career na 112.5kg sa squat bago sinundan ng 55kg sa bench press, 110kg sa deadlift tungo sa 277.5kg total lift.
Kinulang lamang ng kaunti si Masangkay para sana sa pilak na medalya sa deadlift dahil ang US lifter na si Stephanie Rattunde ay may 120kg marka.
Ang mga marka ni Masangkay ay pawang mga bagong Philippine at Asian Powerlifting records sa kanyang division.
Nanalo rin sina Jasmine Martin at Regie Ramirez ng silver medal. Bumuhat si Martin sa deadlift ng 140kg sa 47kg Junior class habang si Ramirez ay naka-silver medal deadlift sa binuhat na 247.5kg sa 59kg junior class mens division.
Ang koponang ipinadala ng Powerlifting Association of the Philippines (PAP) na binigyan ng ayuda ng Philippine Sports Commission (PSC). (AT)