^

PM Sports

10 medals inuwi ng Philippine powerlifters

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbunga ang pagsali ng apat na powerlifters sa  2015 World Sub-Junior & Junior Powerlifting Championships sa Prague, Czech Republic matapos mag-uwi ng kabuuang 10 medalya  ang koponan.

Pinangunahan ni  Je-remy Bautista ang kampanya ng mga Pinoy po-werlifters sa pagkopo ng tatlong silver  sa squat sa binuhat na 135kg, dead lift sa binuhat na 122.5kg, para sa kanyang total na 317.5kg. at isang bronze bukod pa sa tatlong Asian Sub Junior records.

Nanalo naman si Masangkay ng apat na bronze medals sa 43kg sub-junior division. Naitala niya ang pinakamabigat na buhat sa kanyang career  na 112.5kg sa squat bago sinundan ng 55kg sa bench press, 110kg sa deadlift tungo sa 277.5kg total lift.

Kinulang lamang ng kaunti si Masangkay para sana sa pilak na medalya sa deadlift dahil ang US lifter na si Stephanie Rattunde ay may 120kg marka.

Ang mga marka ni Masangkay ay pawang mga bagong Philippine at Asian Powerlifting records sa kanyang division.

Nanalo rin sina Jasmine Martin at Regie Ramirez ng silver medal. Bumuhat si Martin sa deadlift  ng 140kg sa 47kg Junior class habang si  Ramirez ay naka-silver medal deadlift  sa binuhat na 247.5kg sa 59kg junior class mens division.

Ang koponang ipinadala ng Powerlifting Association of the Philippines (PAP) na binigyan ng ayuda ng Philippine Sports Commission (PSC). (AT)

ANG

ASIAN POWERLIFTING

ASIAN SUB JUNIOR

CZECH REPUBLIC

JASMINE MARTIN

JUNIOR POWERLIFTING CHAMPIONSHIPS

MASANGKAY

NANALO

NBSP

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

POWERLIFTING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with