MANILA, Philippines – Inilabas ni Merenciana Arayi ang pagiging bete-rana nang pangunahan ang Perlas Pilipinas sa 80-73 overtime panalo laban sa Kazakhstan sa pagtatapos ng elimination round sa 2015 FIBA Asias Women’s Championship Level II kahapon sa Wuhan, China.
Ang 29-anyos na si Arayi ay gumawa ng 16 sa kanyang nangungunang 28 puntos sa huling yugto at overtime para makabangon ang natio-nals mula sa 51-60 iskor ilang minuto matapos buksan ang huling yugto.
May pinagsamang 29 puntos lamang sa naunang apat na laro, kinana ni Arayi ang apat na 3-pointers sa huling dalawang yugto para wakasan ang kampan-ya tangan ang unang puwesto sa 4-1 baraha.
Ang dalawang tres ni Arayi sa fourth period ang nagpaningas sa 12-3 palitan para magtabla ang da-lawang koponan sa 63-all habang ang dalawa pang triples sa overtime ang nakatulong para ma-outscore ng Pilipinas ang Kazakhstan, 17-10 sa limang minutong extension.
Ang panalo ang ikaapat na sunod matapos matalo sa unang laro laban sa Malaysia para uma-bante sa playoffs laban sa dalawang mangungulelat na koponan sa Level I.
Nasa huling dalawang puwesto sa Level I ang Thailand at India at ang mananalo sa playoffs ang aakyat sa Level I sa 2017 edisyon.
Tig-10 puntos pa ang ibinigay nina Shelly Gupilan at Marizze Andrea Tongco habang pinawi ni Afril Bernardino ang pagkakaroon lamang ng apat na puntos sa hinablot na 14 rebounds bukod sa anim na steals, limang assists at dalawang blocks.
Ang North Korea ay kalaro ang mahinang Hong Kong at paboritong kunin ang ikalawang puwesto sa Level II. (AT)