Philippine football team napatalsik sa Asean U-19 Championship

MANILA, Philippines – Isinara ng Pilipinas ang kampanya sa Asean Football Federation Under-19 Championship mu­la sa 1-3 kabiguan sa Laos sa harap ng 12,000 fans sa National Sports Complex sa Vientiane, La­os.

Kaagad nilama­ngan ng Laos ang mga Fi­lipi­no booters sa 3-0 sa unang 45 minuto ng laro pa­ra umabante sa se­mi­fi­nals.

Nagtala ang Phl XI ng 1-3 record sa Group B tampok ang 2-1 pana­lo laban sa Brunei.

Umiskor si Mark Anthony Winhoffer ng goal sa ika-71 minuto para sa 1-3 agwat ng Pilipinas.

Pinilit nina Matthew Custodio, Dimitri Lim­bo at Chima Uzoka na makakonekta, ngunit na­ging mahigpit ang depensa ng Laos.

Samantala, pinabagsak naman ng bigating Thailand ang Cambodia, 6-0, para iposte ang 12 points at angkinin ang unang semis berth.

Show comments