Philippine football team napatalsik sa Asean U-19 Championship
MANILA, Philippines – Isinara ng Pilipinas ang kampanya sa Asean Football Federation Under-19 Championship mula sa 1-3 kabiguan sa Laos sa harap ng 12,000 fans sa National Sports Complex sa Vientiane, Laos.
Kaagad nilamangan ng Laos ang mga Filipino booters sa 3-0 sa unang 45 minuto ng laro para umabante sa semifinals.
Nagtala ang Phl XI ng 1-3 record sa Group B tampok ang 2-1 panalo laban sa Brunei.
Umiskor si Mark Anthony Winhoffer ng goal sa ika-71 minuto para sa 1-3 agwat ng Pilipinas.
Pinilit nina Matthew Custodio, Dimitri Limbo at Chima Uzoka na makakonekta, ngunit naging mahigpit ang depensa ng Laos.
Samantala, pinabagsak naman ng bigating Thailand ang Cambodia, 6-0, para iposte ang 12 points at angkinin ang unang semis berth.
- Latest