Unang kabiguan nalasap ng Gilas mula sa Korea

Laro Ngayo (Xinchuang Gymnasium, Taipei)

1 p.m. Gilas Pilipinas vs Russia

TAIPEI – Sa kanilang ikalawang sunod na pagha­ha­rap matapos noong 2014 Asian Games, muli na namang tinalo ng South Korea ang Gilas Pilipinas.

Pinatumba ng Koreans ang Nationals, 82-70, para sa kanilang unang panalo sa 37th William Jones Cup kagabi dito sa Xinchuang Gymnasium.

Nabigo ang Gilas Pilipinas na maduplika ang ka­nilang 77-69 panalo laban sa Chinese Taipei A sa una ni­lang laro noong Linggo.

Bago talunin ang koponan ni coach Tab Baldwin ay nakalasap muna ang South Korea ng 84-86 kabigu­an sa Russia.

Pinangunahan ni Terrence Romeo ang Nationals sa kanyang 23 points, tampok dito ang 3-of-4 shooting sa three-point range.

Nagdagdag naman si Gary David ng 16 markers ka­sama ang tatlong tres, habang may 9 points at 6 rebounds si Calvin Abueva.

“We don’t have the flow. We’re still individualistic at this point,” sabi Gilas coach Tab Baldwin.

Kinuha ng Gilas Pilipinas ang 21-20 abante sa first period bago naagaw ng South Korea ang unahan, 36-34, sa halftime.

Matapos makatabla sa 54-54 sa pagsasara ng third quarter ay nagtayo ang Koreans ng isang 11-point lead, 69-58, sa 4:49 minuto ng final canto.

KOREA 82 – Lee Seunghyun 19, Moon 17, Lee Jonghyun 12, Lee Jonghyun Hyun 11, Kim 8, Park 6, Kim S. H. 5, Ha 2, Kim T. S. 2, Lee J. H. 1.

Gilas Pilipinas 70 – Romeo 23, David 16, Abueva 9, Castro 7, De Ocampo 5, Taulava 4, Tautuaa 2, Intal 2, Ramos 2, Pingris 0, Norwood 0, Alapag 0.

Quarterscores: 20-21; 36-34; 54-54; 82-70.

Show comments