Nationals pinadapa ang Taipei

Iran, Russia bumandera sa magkatulad na 2-0 record 

TAIPEI – Naisuko ng Nationals ang itinayong 18-point lead sa second pe­riod.

Ngunit sa likod nina Ter­rence Romeo at Jayson Castro ay muling nakaba­lik sa porma ang Gilas Pi­lipinas para gibain ang Chinese Taipei A, 77-69, sa kanilang unang laro sa 2015 William Jones Cup kagabi dito.

Kinuha ng Nationals ang 42-24 abante sa 4:16 ng second quarter bago nakatabla ang Taiwanese sa 54-54 sa pagtatapos ng third period.

Nagsalpak si Romeo ng isang tres kasunod ang kanyang layup para mu­­ling ilayo ang Gilas Pilipinas sa 75-67 sa hu­ling 1:16 minuto ng final can­to.

Haharapin ng Na­tio­­­­nals ang South Korea ngayong alas-5 ng hapon.

Tinalo ng Gilas Pilipi­nas ang South Korea sa FIBA Asia Championships sa Manila noong 20­­13 bago nakaganti ang huli sa Asian Games sa In­cheon noong 2014.

Kaagad namang ki­nu­ha ng four-time champion na Iran at ng Spar­tak Primorye ng Russia ang liderato sa torneo.

Dinomina ng Iran ang South Korea, 77-46, sa opening day noong Sa­bado bago isinunod ang Chi­nese Taipei B, 88-66, ka­hapon.

Ipinoste ng mga Iranians, ang gold medal win­ner noong 2013 FIBA Asia Championship sa Ma­­nila, ang 2-0 record.

Pinatumba rin ng Spar­tak Primorye ang South Korea, 84-86, para sa kanilang 2-0 baraha sa torneo matapos gibain ang USA Select-Overtake, 84-65.

Lalabanan ng Iran ang Japan nga­yong alas-3 ng hapon.

 

Show comments