Nationals pinadapa ang Taipei
Iran, Russia bumandera sa magkatulad na 2-0 record
TAIPEI – Naisuko ng Nationals ang itinayong 18-point lead sa second period.
Ngunit sa likod nina Terrence Romeo at Jayson Castro ay muling nakabalik sa porma ang Gilas Pilipinas para gibain ang Chinese Taipei A, 77-69, sa kanilang unang laro sa 2015 William Jones Cup kagabi dito.
Kinuha ng Nationals ang 42-24 abante sa 4:16 ng second quarter bago nakatabla ang Taiwanese sa 54-54 sa pagtatapos ng third period.
Nagsalpak si Romeo ng isang tres kasunod ang kanyang layup para muling ilayo ang Gilas Pilipinas sa 75-67 sa huling 1:16 minuto ng final canto.
Haharapin ng Nationals ang South Korea ngayong alas-5 ng hapon.
Tinalo ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa FIBA Asia Championships sa Manila noong 2013 bago nakaganti ang huli sa Asian Games sa Incheon noong 2014.
Kaagad namang kinuha ng four-time champion na Iran at ng Spartak Primorye ng Russia ang liderato sa torneo.
Dinomina ng Iran ang South Korea, 77-46, sa opening day noong Sabado bago isinunod ang Chinese Taipei B, 88-66, kahapon.
Ipinoste ng mga Iranians, ang gold medal winner noong 2013 FIBA Asia Championship sa Manila, ang 2-0 record.
Pinatumba rin ng Spartak Primorye ang South Korea, 84-86, para sa kanilang 2-0 baraha sa torneo matapos gibain ang USA Select-Overtake, 84-65.
Lalabanan ng Iran ang Japan ngayong alas-3 ng hapon.
- Latest