Arellano iniurong ang protesta sa double overtime win ng Jose Rizal

MANILA, Philippines – Maaari nang makahi­nga nang maluwag ang Heavy Bombers.

Mas pinahalagahan ang sportsmanship at ang kabutihan ng liga, ini­urong ng Arellano Uni­versity ang naunang planong paglalagay sa pro­testa ng kanilang 112-114 double overtime loss sa Jose Rizal Uni­versity sa second round ng 91st NCAA men’s basektball tourna­ment noong nakaraang Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Sinabi ni NCAA Ma­nagement Committee representative Peter Cay­co na mismong ang kanilang school president na si Francisco Cay­co ang nag-atras ng ka­nilang protesta.

“I was ordered by my president not to put the game under protest in the spirit of sportsman­ship and in the interest of the NCAA,” wika ni Cay­co sa isang statement. “Jose Rizal had no­thing to do with the errors of game officials.”

Dahil dito ay nakuha ng Heavy Bombers ang kanilang ikaanim na panalo sa 10 laro kagaya ng Chiefs.

Inireklamo ng Arellano ang pagbabago ng mga referees sa nauna ni­lang itinawag na three-point shot ni Jose Rizal guard Tey Teo­do­ro.

Alam na abante ng isang puntos ang Heavy Bombers, napuwersa si Chiefs’ guard Jio Ja­lalon na bigyan ng foul si Gio Lasquety sa na­titirang 1.5 segundo.

Ang dalawang free throws ni Lasquety ang su­melyo sa panalo ng Jo­se Rizal.

Sinabi ni Cayco na kung kaagad itinama ng mga officials ang tirada ni Teodoro ay malamang na hindi sila nag­bi­gay ng foul.

Kasalukuyang mag­ka­salo sa liderato ang Letran Knights at ang five-peat champions na San Beda Red Lions sa magkatulad nilang 9-2 record kasunod ang Per­petual Altas (7-3).

Show comments