^

PM Sports

Gilas maghihintay pa sa desisyon ng FIBA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakda ang deadline para sa pagsusumite ng SBP sa 12-man line-up ng Gilas sa FIBA Asia sa Sept. 8.

Kailangan pang hintayin ang desisyon ni FIBA secretary-general Patrick Baumann kung papayagan nila si Clarkson na maglaro sa Gilas para sa FIBA Asia Championships sa Changsha.

Bukod sa FIBA clearance, ay kailangan din ng SBP na makakuha ng approval sa Lakers.

Kaya naman aligaga ang SBP para makuha ang mga ito sa hangaring mapalaro si Jordan Clarkson sa Gilas.

Nilimitahan ng FIBA ang isang national team na kumuha ng isang naturalized player ngunit bukas naman sila para sa mga players na may dual nationalities.

Noong 2011 ay dinis-kuwalipika ng FIBA ang tinatawag na limang “localize” foreigners ng Qatar para sa FIBA Asia Championships sa Wuhan.

Para sa mga players na may dual nationalities, papayagan lamang ng FIBA na katawanin nito ang isang bansa subalit dapat siyang magpakita ng proof of residence, playing years o “any other criteria capable of establishing a significant link between the player and the country for the national team of which he wishes to play.”

Bilang FIBA secretary-general, may kapangyarihan si Baumann na gumawa ng desisyon ukol sa eligibility at maaaring konsultahin ang FIBA Legal Commission.

Sa kaso naman ni Clarkson, wala nang kuwestiyon sa kanyang dugong Pinoy dahil ang kanyang inang si Annette Tullao ay tubong Angeles, Pampanga.

Noong nakaraang Miyerkules ay nagtungo si Clarkson sa Angeles para makilala ang kanyang mga kamag-anak.

Ang pagbisita ay kinuhanan ng SBP at ipinadala sa FIBA bilang ebidensya ng kanyang Filipino heritage.

Dumating ang 23-anyos na si Clarkson sa Manila mula sa Los Angeles noong Lunes ng gabi at dumalo sa Gilas practice sa Meralco gym noong Miyerkules at Huwebes.

Nagtungo si Clarkson sa Boracay kahapon ng umaga at inaasahang magbabalik sa Manila ngayong gabi.

Aalis siya bukas patungong Taipei para panoorin ang Gilas na kakampanya sa Jones Cup. 

Mananatili si Clarkson sa Taipei ng tatlong araw bago bumalik sa Los Angeles.

Umalis na kahapon ang Gilas Pilipinas.

Habang hinihintay ang desisyon ng FIBA, may plano ang SBP executives na kausapin ang tatay ni Clarkson na si Mike sa San Antonio Texas at ang Lakers general manager na si Mitch Kupchak sa Los Angeles sa susunod na linggo.

Layunin nilang magbigay ng assurance na proprotektahan ang La-kers guard kung lalaro ito para sa Gilas.

ANG

ANNETTE TULLAO

ASIA CHAMPIONSHIPS

CLARKSON

FIBA

GILAS

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

JORDAN CLARKSON

LOS ANGELES

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with