^

PM Sports

Viloria malapit nang maabot ang pamatay na porma

Pang-masa

MANILA, Philippines – Habang papalapit ang kanilang laban ay kumpiyansa naman si da-ting world champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria na makukuha niya ang kanyang pamatay na porma para agawin kay Nicaraguan Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ang suot nitong world flyweight crown.

“I have to take it one day at a time, one training step at a time to get myself 100 percent ready. Then, with all that training, everything will take of itself.” sabi ng 34-anyos na si Viloria.

Pipiliting agawin ni Viloria sa 28-anyos na si Gonzalez ang hawak nitong World Boxing Council flyweight belt sa Oktubre 17 sa Madison Square Garden sa New York City.

Kasalukuyang bitbit ni Viloria ang 36-4-0 win-loss-draw ring record kasama ang 22 KOs) at hangad na dungisan ang malinis na 43-0-0 (37 KOs) win-loss-draw record ni Gonzalez.

“I’ve looked at tapes of him. I really didn’t see anything I haven’t seen before,” pahayag ni Viloria ukol kay Gonzalez. “I don’t think he’s ever been tested the way I’ll test him in October.”

Matapos maagaw ang kanyang mga suot na WBA at WBO flyweight belts ni Juan Estrada noong Abril ng taong 2013 ay apat na sunod na panalo ang naitala ni Viloria na kinatampukan ng tatlong knockout.

Ang huling pinatumba ni Viloria ay si dating world title challenger Omar Soto sa first round noong Hulyo 25 sa Hollywood, California.

Bagama’t anim na taon ang kanyang tanda kay Gonzalez ay tiwala si Viloria sa kanyang kakayahang manalo.

“I know I have more left in the tank. Some people might say I’m a step slower and everyone has a right to their opinion. I know myself, though, I know what I can and can’t do. We’ll see,” ani Viloria. (RC)

ACIRC

ANG

GONZALEZ

HAWAIIAN PUNCH

JUAN ESTRADA

MADISON SQUARE GARDEN

NEW YORK CITY

NICARAGUAN ROMAN

OMAR SOTO

VILORIA

WORLD BOXING COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with