Biado, Kiamco magtatambal sa World Cup

MANILA, Philippines - Ang bagong tambalan nina Carlo Biado at Warren Kiamco ang sa­sandalan ng Pilipinas pa­ra muling maghari sa 2015 World Cup of Pool na nakatakda sa Setyembre sa York Hall, Bethnal Green sa London.

Ito ang unang pagka­kataon na sina Biado at Kiamco ay sasali sa kom­petisyong nilalahukan ng 32 bansa, dalawa ang lahok ng host England.

Tatlong beses nang ki­nilala ang galing ng mga pambato ng  bansa sa WCP at ang mga ala­mat sa bilyar na sina Ef­ren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bus­tamante ay nakada­lawa na nangyari noong 2006 sa Wales at noong 2009 sa Pilipinas.

Sina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ang nagbigay ng pangatlong titulo noong 2013 sa Lon­don.

Noong 2014 ay sina Or­collo at Corteza ang ku­matawan uli sa bansa pero natalo sila sa quarterfinals.

Sina Karl Boyes at Dar­ren Appleton ng Eng­land ang naghari no­­ong nakaraang ta­on.

 

Show comments