Valanciunas lumagda ng extension sa Raptors

TORONTO -- Dahil sa patuloy na pagganda ng laro ni Jonas Valanciunas sa nakaraang tat­long season ay hindi na siya pinakawalan ng Rap­tors.

Pinirmahan ni Valan­ciunas ang four-year, $64 million contract ex­tension para patuloy na maglaro sa Toronto.

Kasama sa kontrata ang isang player option sa kanyang ikaapat na ta­on.

Nagtala ang 23-an­yos na si Valanciu­nas ng mga averages na 10.9 points, 8 rebounds at 1.1 blocks sa tatlong seasons niya para sa Raptors.

Tinampukan ito ng kanyang career-high na 12 points, 8.7 rebounds at 1.2 blocks sa nakaraang season.

Kinuha ng Raptors si Valanciunas bilang fifth overall pick noong 2011 NBA draft.

“Jonas’ contributions continue to improve with each season and we view him as a sig­ni­ficant part of what we are building in Toronto,” sabi ni Raptors Pre­sident at General Ma­nager Masai Ujiri.

Nauna nang kinuha ng Raptors sina DeMar­re Carroll, Cory Joseph, Bismack Biyombo at Luis Scola.

Show comments