Valanciunas lumagda ng extension sa Raptors
TORONTO -- Dahil sa patuloy na pagganda ng laro ni Jonas Valanciunas sa nakaraang tatlong season ay hindi na siya pinakawalan ng Raptors.
Pinirmahan ni Valanciunas ang four-year, $64 million contract extension para patuloy na maglaro sa Toronto.
Kasama sa kontrata ang isang player option sa kanyang ikaapat na taon.
Nagtala ang 23-anyos na si Valanciunas ng mga averages na 10.9 points, 8 rebounds at 1.1 blocks sa tatlong seasons niya para sa Raptors.
Tinampukan ito ng kanyang career-high na 12 points, 8.7 rebounds at 1.2 blocks sa nakaraang season.
Kinuha ng Raptors si Valanciunas bilang fifth overall pick noong 2011 NBA draft.
“Jonas’ contributions continue to improve with each season and we view him as a significant part of what we are building in Toronto,” sabi ni Raptors President at General Manager Masai Ujiri.
Nauna nang kinuha ng Raptors sina DeMarre Carroll, Cory Joseph, Bismack Biyombo at Luis Scola.
- Latest