Alapag pumirma ng 2-year deal sa Bolts

MANILA, Philippines - Isang two-year contract ang pinirmahan ni one-time PBA Most Va­lua­ble Player awar­dee Jim­my Alapag pa­ra sa kan­yang bagong ko­po­nang Me­ralco.

Ito ay ginawa ng 37-anyos na si Alapag ba­go siya sumama sa Gilas Pilipinas patungong Esto­nia para sumabak sa isang mini tournament.

Ang naturang two-year contract ng 5-foot-7 na si Alapag, dating nag­laro para sa Talk ‘N Text, ay nagkakahalaga ng P10.08 milyon.

Muling maglalaro si Ala­pag, ang 2003 Rookie of the Year awardee, ma­tapos ihayag ang kanyang pagreretiro noong Pebrero sa 2015 PBA All-Star sa Puerto Princesa, Palawan.

Hinikayat si Alapag ni coach Tab Baldwin na sumama sa ensayo ng Gilas Pilipinas training pool noong Agosto 3.

At matapos ito ay nakumbinsi ni Baldwin si Alapag na tulungan ang Na­tionals para sa dara­ting na 2015 FIBA Asia Championship na naka­takda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, China.

Si Alapag ang tuma­yong lider ng Gilas Pilipinas ni mentor Chot Reyes noong 2013 FIBA Asia Championships sa Mani­la at noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Maglalaro si Alapag pa­ra sa kanyang pang-13 season sa PBA.

Samantala, pumirma na din ng kanilang mga ma­ximum three-year deals sina Jeff Chan (Rain or Shine), Alex Malla­ri (Star) at Cliff Hodge (Me­ralco).

Pinirmahan nina Chan, Mallari at Hodge ang kanilang mga kontrata na nagkakahalaga ng P15.12 milyon.

Show comments