^

PM Sports

James at Paras muling nagharap

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagka­kataon ay muling naka­laro ni Kobe Paras si NBA superstar LeBron James ng Cleveland Cavaliers.

Nakaharap muli ng 17-anyos na si Paras ang 33-anyos na si James sa isang exhibition match ng Nike Rise Tour no­ong Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumpara nang magkalaban sila noong 2013 ay hindi na nangyari ang ginawang pag-dunk ng 6-foot-7 na si Paras sa 6’8 na si James.

Pinostehan lamang ni Paras ang four-time NBA Most Valuable Pla­yer sa huling bahagi ng laro ng Team Black at Team White.

Naimintis ni Paras ang kanyang fadeaway shot laban kay James.

Sa unang pagbisita ni James sa Manila noong 2013 bilang miyembro ng NBA champions na Miami Heat ay nilundagan ni Paras ang NBA star.

Ang naturang video ay naging viral sa YouTube.

Umaasa ang anak ni PBA great Benjie Paras na makakapaglaro siya sa NBA.

Nakatakdang mag­la­ro si Paras para sa Uni­versity of California Los Angeles (UCLA) sa US NCAA sa susunod na ta­on.

Samantala, ibinunyag naman ni James ang mga ritual na kanyang ginagawa sa dugout ba­go ang isang laro.

Itinuro rin niya ang ilang mga galaw na hi­na­ngaan sa kanya ng mga basketball fans sa bu­ong mundo.

“More than teaching them skill sets, it’s about the inspiration that comes behind it,” sa­bi ni James.

“The stories that I can give them, tell them about the game. It’s up to them to use that, to better themselves. That is more important than anything else,” dagdag pa nito.

Kahapon ay nagtu­ngo si James sa Tenement Court sa Western Bi­cutan para ilunsad ang isang bagong basketball court.

Iminarka niya ang kan­yang mga kamay sa isang semento.

ACIRC

ANG

BENJIE PARAS

CALIFORNIA LOS ANGELES

CLEVELAND CAVALIERS

JAMES

KOBE PARAS

MALL OF ASIA ARENA

MIAMI HEAT

PARAS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with