MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, si 6-foot-7 Norbert Torres ang nagpasikat sa mini-tournament ng 2015 Gatorade PBA Draft Combine.
Kumamada si Torres ng 5 points at 4 rebounds para tulungan ang Team G-Rain or Shine sa 13-6 panalo laban sa Team C-Kia sa championship game kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Shaw Blvd.
Ipinakita ni Torres, ang dating big man ng La Salle Green Archers sa UAAP at miyembro ng Gilas Cadets squad na nag-uwi ng gintong medalya mula sa nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore, ang kanyang lakas sa harap ng 12 PBA coaches at assistants.
Pinalakas ni Torres ang kanyang tsansang makuha sa first round ng darating na 2015 PBA Rookie Draft na inaasahang pangungu-nahan nina Fil-Tongan Moala Tautuaa at National University star Jeth Troy Rosario sa Linggo sa Ro-binson’s Place sa Ermita, Manila.
Umiskor din si Joshua Cubillo ng markers at nagdagdag ng 2 boards para sa panalo ng Team G-Rain or Shine.
Bukod kina Torres at Cubillo, ang iba pang mi-yembro ng Team G-Rain or Shine na hinawakan ni assistant coach Ricky Umayam ay sina Jaypee Mendoza, Christian Palma, Alex Almario, Eric Acuna at Carlo Gatmaitan,
Inangkin ng koponan ang P50,000 premyo sa naturang eight-team, single-elimination tournament na inilaro sa dalawang tig-5-minuto bawat yugto.