Narinig ba ninyo ang balitang ito?
Si Manny Pacquiao na raw ang may-ari ng Golden State Warriors, ang kampeon sa nagdaang season ng NBA.
Alam ng lahat na taga-suporta si Pacquiao ng Warriors.
Isa siya sa napakaraming bumati sa Golden State nang manalo sila laban sa Cavs para sa NBA title.
Kasagsagan ng NBA Finals sa pagitan ng Warriors at Cleveland Cavaliers nang umugong ang balitang si Pacquiao na ang may-ari ng Golden State.
Bongga diba!!! Ang yaman na talaga ni Pacquiao, kung totoo nga ito.
Bilyun-bilyon ang halaga ng prangkisa sa NBA.
Walang kumpirmasyon ang balitang ito kung totoo nga o hindi.
Sinasabing pinananatili nilang sikreto na si Pacquiao na ang may-ari ng Golden State dahil sa napakataas na bayad sa tax sa Amerika.
Bakit Warriors?
Ito ay dahil kay Stephen Curry.
“Pilipinong-Pilipino ang dating ng Warriors, especially Curry,” sabi ni Pacquiao sa isang artikulo sa PhilBoxing.com. “Wala siyang kayabang-yabang, simpleng-simple lang kahit na siya ang tinanghal na season MVP of the world’s biggest pro-league.”
Naging kaibigan ni Pacquiao si Curry.
Pinadalhan pa nga siya ni Curry ng autographed jersey at pinuntahan pa niya ang mga anak ng 8-division champion na sina Jimuel at Michael nang manood ang mga ito sa Oracle Arena sa Oakland.
Nag-post naman ang Sarangani Congressman ng picture niya na nakasuot ng No. 30 jersey ni Curry sa Twitter nang talunin ng Warriors ang Cleveland sa NBA finals.