My Queen hindi inasahang mananalo
MANILA, Philippines – Nagpakita ng ibayong takbo ang My Queen para lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo noong Linggo sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Kevin Abobo ang siyang pinagdiskarte sa kabayo at naipagkaloob niya ang mailap na pa-nalo noong si JB Guerra ang sakay ng kabayo para mapasaya rin ang mga dehadista.
Sa 1,100m distansya pinaglabanan ang karera at umabot sa 10 ang nagtagisan na kung saan ang Talilibanana ni Mark Alvarez ang paborito.
Pero ang tambalang nanalo noong Hulyo 31 ay wala sa kondisyon at hindi sila tumimbang sa datingan.
Hindi pinansin ang My Queen matapos ang ika-12 at ikawalong pagtatapos sa naunang takbo sa buwan ng Agosto.
Ngunit pinalad si Abobo na mahanap ang tamang renda para maisantabi ang hamong hatid ng Star Of Jona.
Si Dominador Borbe Jr. ang sakay ng Star of Jonan na tumapos sa pangalawang puwesto sa ikatlong sunod na karera. Ang huling dalawang takbo ay sa pagdadala naman ni Guerra.
Kumabig ang mga nanalig sa galing ng My Queen ng P278.50 sa win habang ang forecast na 6-3 ay mayroong P387.00 dibidendo.
Magsisimula nga-yon ang isang linggong pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at pitong karera ang paglalabanan dito.
Lahat ng mga mana-nalong kabayo ay may garantiyang P125,000.000 premyo na handog ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) habang dalawang karera ang itinalaga bilang MJCI Special Race at may dagdag na P10,000 ang mananalong horse owner. (AT)
- Latest