Tey Teodoro - Jose Rizal
MANILA, Philippines – Alam ni Jose Rizal coach Vergel Meneses na si Tey Teodoro ang pinakamahusay na player ngayong season ng Heavy Bombers.
Pinatotohanan naman ito ni Teodoro na nanguna sa pagbangon sa Heavy Bombers mula sa 18-point deficit sa huling apat na minuto ng fourth quarter para resbakan ang Mapua Cardinals, 90-77 sa 91st NCAA men’s basketball tournament noong nakaraang Martes sa The Arena sa San Juan City.
Kumamada si Teodoro ng 18 sa kanyang career-high na 32 points sa final canto para sa panalo ng Jose Rizal laban sa Mapua.
Dahil sa kanyang kabayanihan, hinirang ang 21-an-yos na si Teodoro bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week.
Pinahalagahan pa rin ni Teodoro ang teamwork sa nasabing panalo ng Heavy Bombers.
“Hindi ko makukuha ang kahit na ano kung wala ang tiwala sa akin ni coach (Meneses) at ang tulong ng mga teammates ko,” wika ni Teodoro.
Umiskor si Teodoro ng 13 sa inihulog na 24-3 atake ng Heavy Bombers sa huling apat na minuto na tinampukan ng kanyang go-ahead layup sa natitirang 3.2 segundo para iwanan ang Cardinals sa 88-87.
Nauna nang itinala ng Mapua ang 84-66 bentahe laban sa Jose Rizal.
“Pero sometimes, it’s not about the coaching; it’s about the players na when it comes na kailangan na talaga, they do it on their own,” sabi ni Meneses.
Tinalo ni Teodoro para sa weekly honor sina Nigerian import Ola Adeo-gun ng five-peat champions na San Beda Red Lions at Letran Knights scoring guard Rey Nambatac.