Pumirma si power forward LaMarcus Aldridge ng 4-year, $84 million contract sa San Antonio Spurs noong nakaraang buwan.
Ang 30-anyos na si Aldridge ay tubong Dallas at nagpagpatayo ng bagong bahay sa Houston.
Ngunit masyadong maliit ang kanyang bagong bahay para pagkasyahin ang napakala-king koleksyon niya ng sneakers.
Dahil dito ay magpapatayo siya ng maliit na bahay sa likod ng kanyang main house kung saan niya ididisplay ang kanyang sneaker collection.
“I’m in the process of building a separate house, behind my house, just for shoes,” sabi ni Aldridge.
Maaaaring sabihing sa nakaraang dalawang dekada ay hindi masyadong galante ang Spurs power forward para sa kanyang koleksyon.
Ang ibang tao ay nagpapasadya lang ng magandang lagayan para sa kanilang nga sapatos o koleksiyon ngunit ibang klase si Aldridge, pumirma rin ng kontrata sa Jordan Brand, dahil isang buong bahay ang ipinatayo niya at kaagad niyang pinuno ito ng mga sapatos niya.
“I put in a pretty massive closet and I have a huge shoe section in the middle. I filled it up within a couple of weeks of being home. I have pro-bably a 100 inside, I have about 50 on the top, and now I’m starting to put them on the floor,” sabi pa ni Aldridge.