^

PM Sports

Di muna magdadagdag ng team ang PBA

Pang-masa

TOKYO, Japan – Hindi pa dinesisyunan ng PBA Board of Governors sa kanilang patuloy na planning session ang membership application ng Lamoiyan Corp. (Hapee Toothpaste) at Racal Motors.

Sinabi ni PBA president/chief executive officer Chito Salud na ibabase nila ang pagtanggap ng mga bagong aplikante sa ipapakita ng mga expansion teams na Kia at Blackwater sa mga darating na PBA seasons.

At ito ay posibleng sa mga susunod na tatlo hanggang limang taon.

“We will accommodate expansion teams, maybe two, within the next three to five years, depending on the performance of the last two (Kia and Blackwater) that we accepted,” sabi ni Salud.

Gusto ng PBA board, pinamumunuan ni chairman Robert Non ng San Miguel Beer na muling magkaroon ng balanseng kompetisyon ang 12 koponan bago tumanggap ng dagdag na expansion teams.

Matatandaang hindi umabot sa quarterfinal round ang Blackwater at ang Kia sa una nilang PBA season.

Nagkasundo din ang PBA board of governors na magkaroon ng sports academy tatlo hanggang limang taon mula ngayon para sa mga welfare fund ng mga retiradong players na naiiba sa players trust fund na nakatuon para sa edukasyon ng kanilang mga anak. (NB)

ANG

BOARD OF GOVERNORS

CHITO SALUD

HAPEE TOOTHPASTE

KIA

KIA AND BLACKWATER

LAMOIYAN CORP

MGA

RACAL MOTORS

ROBERT NON

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with